TADTAD NG SAKSAK ANG KATAWAN? Mister, pinatay sa saksak ang kaniyang misis na may kalaguyo umano sa Messenger
Nasawi ang isang 27-anyos na babae matapos siyang saksakin ng kaniyang mister na 38-anyos sa loob ng kanilang bahay sa Davao City. Ang suspek na gumagamit umano ng ilegal na droga, idinahilan na nagtataksil umano sa kaniya ang biktima na nakita niya sa Facebook Messenger.
Sa kabila ng tinamong mga sugat, nagawa pang makatakbo ng biktima ng ilang hakbang bago ito bumagsak, at idinelarang dead on arrival nang dalhin sa ospital.
Sugatan din ang ina ng biktima na nagtangkang protektahan ang kaniyang anak.
Nadakip naman ang suspek at narekober ang patalim na pinapaniwalaang ginamit sa krimen’.


No comments: