KINIDNAP NG PINSAN? Negosyante na ‘di raw nagpautang, kinidnap umano ng pinsan sa Nueva Ecija
Sugatan ang isang 59-anyos na negosyante matapos siyang kidnapin at bugbugin sa Cabanatuan, Nueva Ecija. Nakaligtas din naman ang biktima at nakilala na ang utak sa krimen, mismong pinsan niya na hindi niya raw pinahiram ng pera.
Nang dumating ang pickup truck na sakay ang biktima, kumilos ang mga suspek na sapilitang pinabalik ng sasakyan at kanilang tinangay.
Ngunit ayon sa pulisya, nabulilyaso ang pagdukot sa biktima nang maaksidente umano ang sasakyan na hindi nakuhanan ng video.
“Nagkaroon pa ng disgrasya, nakadisgrasya pa sila ng tao, patakas sila nung nakuha nila yung tao,” ayon kay Nueva Ecija Provincial Police Office director Police Colonel Heryl Bruno.
Napilitan din ang mga suspek na iwanan ang sasakyan at tumakas matapos ma-flat ang pickup truck.


No comments: