banner

BINARIL ANG TAMBAY? Lalaking nakatambay, patay matapos malapitang barilin sa Valenzuela City



Patay ang isang 50-anyos na lalaki matapos siyang barilin nang malapitan ng suspek sa Barangay Marulas, Valenzuela City. Ang suspek, naghihinala na ang biktima ang nagpakulong sa kaniya.

Hanggang sa dumating ang salarin na may dalang baril at malapitang inasinta at pinaputukan ang biktima. Bumulagta ang biktima sa kalsada sa tama ng bala, habang nagsitakbuhan ang mga tao sa lugar.

Isinugod sa ospital ang biktima pero nasawi rin kalaunan.

Isang 62-anyos na babae ang nadamay matapos tamaan ng bala sa kaliwang binti at dinala rin sa ospital.

“Papunta lamang sa tindahan [yung babae] at mayroon lamang siyang bibilhin nu’ng siya ay tamaan ng bala,” sabi ni Police Captain Robin Santos, chief ng Valenzuela Police SIDMS.

No comments:

Powered by Blogger.