BASAG ANG ULO? Rider na galing umano sa inuman, nasawi matapos makasalpukan ang isang SUV sa Ilocos Norte
Nahuli-cam ang salpukan ng isang motorsiklo at isang Sport Utility Vehicle sa Sarrat, Ilocos Norte. Ang rider ng motorsiklo, nasawi.
Tumilapon ang rider at nagtamo ng matinding sugat sa ulo na dahilan ng kaniyang pagkasawi.
Ayon sa pulisya, galing umano sa inuman ang biktima bago mangyari ang sakuna.
Sumuko naman sa pulisya ang driver ng SUV na wala pang ibinibigay na pahayag
Samantalang sinisikap pang makuhanan ng pahayag ang mga kaanak ng biktima, ayon pa sa ulat.


No comments: