NALATAYAN NG GULONG? Rider at live-in partner niya, patay sa sagasa ng bus, mga biktima natumba dahil sa asong tumawid
Patay ang rider at live-in partner na angkas niya nang masagasaan sila ng bus sa Misamis Oriental. Bago ang insidente, napag-alaman na may nasagasaan na aso sa daan ang mga biktima kaya natumba ang sinasakyan nilang motorsiklo.
Sa CCTV footage, makikita na sumemplang ang motorsiklo na sinasakyan ng mga biktima nang masagaan nila ang tumawid na aso. Napunta ang dalawang biktima sa kabilang linya ng kalsada na nagkataon na may paparating na pampasaherong bus at nagulungan ang dalawa.


No comments: