banner

SINAKSAK NG LASING SA BATOK? Misis na nagpapatulog ng sanggol, sinaksak sa batok ng lasing na kamag-anak


@balitaonline Misis na nagpapatulog ng sanggol, sinaksak sa batok ng lasing na kamag-anak! Patay ang isang 38-anyos na ina habang sugatan naman ang kaniyang 16-anyos na anak matapos silang pagsasaksakin ng kanilang kamag-anak sa loob ng kanilang bahay sa Bayawan City, Negros Oriental. Kinilala ang nasawi na si alyas “Melody” habang ang suspek ay itinurong si alyas “Junjun,” asawa ng hipag ng biktima. Ayon sa asawa ni Melody na si alyas “Ron”, dumating umano ang suspek sa kanilang bahay na nasa impluwensya ng alak. Sa oras ng insidente, nasa sala si Melody at pinapatulog ang kanilang 10-buwang gulang na sanggol. Bigla umanong inatake ng suspek ang biktima at sinaksak sa batok, na naging sanhi upang mabali ang patalim dahil sa lakas ng pagkakatama. Subalit, hindi pa nakuntento ang suspek, ginamit umano ng suspek ang nabaling patalim upang saksakin ang 16-anyos na anak ng mag-asawa sa noo, na nagresulta sa pagkakasugat nito. Ayon sa pulisya, isa sa mga tinitingnang motibo ay alitan sa pera. Pahayag ni Ron sa media, may utang umano siyang ₱2,000 sa suspek kung saan ₱500 na lamang ang hindi pa nababayaran, dahil hulugan umano niya itong binabayaran kaugnay ng paggamit ng linya ng kuryente ng suspek na nakakabit sa kanilang bahay. Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kaukulang mga kaso. Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang iba pang detalye ng insidente. #Balita ♬ Documentary A moment of tension(871019) - RK Sound

SINAKSAK NG LASING SA BATOK? Misis na nagpapatulog ng sanggol, sinaksak sa batok ng lasing na kamag-anak

No comments:

Powered by Blogger.