banner

WASAK NA WASAK? Pulis, patay matapos sumalpok ang minamanehong kotse sa isang trailer truck



Nasawi ang isang 40-anyos na pulis matapos na sumalpok ang minamaneho niyang kotse sa nakasalubong na trailer truck sa Barangay Mabusag Sur sa Badoc, Ilocos Norte, noong Sabado.

Ang pagputok umano ng gulong ang dahilan para mapunta sa kabilang linya ng kalsada ang kotse, at doon naman niya nakasalpukan ang truck.

Nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang biktima na binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital.

No comments:

Powered by Blogger.