NAPIKON KAYA SINAKSAK? Jeepney driver, sugatan matapos saksakin ng traffic enforcer sa Pangasinan
Hinahanap ngayon ng mga awtoridad ang isang traffic enforcer matapos niyang saksakin at masugatan ng isang jeepney driver sa Calasiao, Pangasinan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na dati nang may alitan ang driver at ng 56-anyos na traffic enforcer dahil sa usapin ng pagsunod sa batas trapiko.
Pero off-duty ang suspek nang mangyari ang insidente kung saan nagkahamunan ng suntukan ang dalawa, hanggang sa mauwi na pananaksak na ikinasugat ng biktima, na dinala sa ospital.


No comments: