NADUROG ANG KATAWAN? PWD, nasawi sa hit-and-run matapos mabangga ng motorsiklo at masagasaan ng kotse
Isang 41-anyos na person with disability (PWD) ang nasawi matapos siyang mabangga ng isang motorsiklo at masagasaan ng isang kotse na hindi tumigil sa bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, tumatawid sa kalsada sa Barangay Ventinilla ang biktima nang mabangga siya ng isang motorsiklo, na naging sanhi ng pagbagsak ng rider na nakabangga, at maging ang biktima.
Pero nang matumba ang biktima, siya namang dating ng kotse na mabilis ang takbo at nasagasaan ang biktima.
“Nang bumulagta si victim, tamang-tama naman na may mabilis na sasakyan. Mga ilang segundo, na-run over o nagulungan itong bumulagta na pedestrian,” ayon kay Sta. Barbara police chief, Lt. Col. Michael Datuin.
Dagdag ng pulisya, tinangka ng mga saksi na habulin ang sasakyan na nakasagasa sa biktima ngunit mabilis itong nakatakas.


No comments: