banner

NABIYAK ANG ULO? Driver ng e-trike, sugatan matapos mabagsakan ng tipak ng kongkreto mula sa lumang gusali sa Maynila



Isinugod sa ospital ang isang 43-anyos na driver ng e-trike sa Maynila matapos siyang mabagsakan sa ulo ng tipak ng kongkreto na mula sa isang lumang gusali.

“Malakas po [ang tunog]... Kala ko nga banggaan, tapos pagtingin namin bumagsak po pala ang ano ng building,” ayon sa saksing si Analiza Enverga.

Dinala si Gonzales sa Jose Reyes Memorial Medical Center, at mayroon na umanong malay, ayon sa chairman ng Barangay 313 na si Eddie Jasmin.

No comments:

Powered by Blogger.