banner

TINADTAD NG BALA ANG KATAWAN? 53 anyos na negosyante, patay matapos tambangan at i ambush sa Pangasinan



Patay ang isang negosyanteng 53-anyos matapos siyang tambangan at pagbabarilin sa kaniyang sasakyan sa Bayambang, Pangasinan.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, sakay ng kotse ang biktima papunta sa kaniyang driving school nang pagbabarilin siya ng dalawang salarin na nakasakay sa motorsiklo.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima at idineklarang dead on arrival, ayon sa pulisya.

Hustisya naman ang panawagan ng kapatid ng biktima.

Sinusuri na umano ng pulisya ang mga CCTV footage at nagsasagawa ng backtracking operations para matukoy ang mga pagkakakilanlan ng mga salarin.

No comments:

Powered by Blogger.