banner

SK CHAIRMAN AT KAGAWAD ANG SUSPEK? Vlogger ng ginto at 3 kasamahan, hinoldap ng ilang armadong lalaki



Isang vlogger ng ginto at tatlo niyang kasamahan ang hinoldap ng 10 armadong mga lalaki sa Pasay, kung saan natangay ang mahigit P6 milyong halaga ng alahas at pera. Ilan sa mga suspek, napag-alamang SK chairman at kagawad pa.

Nadakip ang 22-anyos na lalaki na driver umano ng itim na SUV kung saan nabawi ang ilang alahas at pera. Nakuha rin sa kaniya ang isang granada, ngunit wala na noong mga sandaling iyon ang ibang mga kasabwat umano na mga lalaki.

Ayon sa pulisya, tukoy na nila ang pagkakakilanlan ng anim sa 10 suspek. Dalawa sa kanila ay SK chairman at kagawad pa ng isang barangay sa Pasay.

Ito na ang ikalimang pagkakataon na nagawa ng mga suspek ang kagayang krimen sa iba't ibang lalawigan.

No comments:

Powered by Blogger.