SINAKSAK NI MISTER? Misis na umano'y taksil, sinaksak ng mister habang natutulog
Isang 27-anyos na babae ang nasawi matapos umanong pagsasaksakin ng kaniyang 38-anyos na asawa sa loob ng kanilang tahanan sa Davao City.
Ayon sa mga awtoridad, habang mahimbing na natutulog ang biktima ay bigla na lamang itong inatake at pinagsasaksak ng suspek.
Kahit nagtamo ng maraming sugat, nagawa pa umanong makatakbo ng biktima ng ilang hakbang bago tuluyang bumagsak.
Isinugod pa siya sa ospital ngunit idineklara na siyang dead on arrival.


No comments: