PINATAY SA SAKAL? 17-anyos na babae, pinatay ng dating live-in partner, bangkay, itinapon sa tapat ng bahay
Pinatay sa sakal ang isang 17-anyos na babae ng kaniyang live-in partner sa Lipa, Batangas. Ang bangkay nito, itinapon sa madamong bahagi ng tapat ng kanilang bahay.
“Tinapon lang siya na parang baboy, parang basura,” hinanakit ng kapatid.
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na nagpaalam ang biktima na may dadaluhang birthday party pero hindi na nakauwi.
Suspek sa krimen ang dating kinakasama ng biktima na nakipagkita umano para magbigay ng sustento sa kanilang anak.
Naaresto ang suspek na umamin umano na pinatay niya sa sakal ang biktima.


No comments: