banner

MANYAKIS NA DRIVER? Taxi driver na nambastos umano sa pasahero niyang babaeng estudyante sa Davao City, hinahanap ng mga awtoridad



Hinahanap ngayon ng mga awtoridad ang isang taxi driver na umano’y nambastos sa pasahero niyang babaeng estudyanteng sa Davao City. Ang driver, nagtanong daw ng mga personal na bagay sa estudyante hanggang sa umabot sa kalaswaan.

Sa viral na social media post, nangyari umano ang insidente noong Enero 20, 2026 habang pauwi na ang mag-aaral mula sa eskuwelahan.

Ang driver umano ang magsimula ng pag-uusap na kinalaunan ay naging hindi kaaya-aya. Bukod sa nagbitiw umano ang driver ng mga nakasasakit na komento tungkol sa kaniyang katawan, nagtanong din ito ng mga personal na bagay, at umabot pa patungkol sa seksuwal na may kasama pang alok.

Sa kabila nito, ligtas na nakauwi ang estudyante, at nagpatulong sa security guard na kunin ang plaka ng taxi at pangalan ng driver.

No comments:

Powered by Blogger.