banner

KINAGAT ANG MATA? E-trike driver, muntik mabulag matapos kagatin sa mata ng kapuwa driver



Sugatan at halos mabulag na ang isang lalaki matapos siyang kagatin sa mata ng nakaalitan niyang kapuwa e-trike driver sa Cebu City.

Sinasabing naunang magkaroon ng diskusyon ang biktima at unang suspek dahil sa agawan umano ng pasahero. Matapos nito, binalikan daw ng unang suspek ang biktima, kasama ang iba pang mga driver at saka hinarang sa daan kahit na sakay ng biktima ang kaniyang anak.

Bigla umanong hinila ng mga lalaki ang biktima, dahilan upang mawalan ng kontrol ang e-trike at bumangga sa isang tindahan. Ligtas naman ang anak ng biktima.

No comments:

Powered by Blogger.