TUMAGOS SA KATAWAN? Lalaki, patay matapos tamaan sa dibdib ng ligaw na bala na mula sa airgun
Isang lalaki na nakaupo lang sa labas ng kaniyang bahay ang nasawi matapos tamaan sa dibdib ng ligaw na bala na mula sa airgun sa Mabalacat, Pampanga.
Ayon sa pulisya, nakaupo ang biktima sa harap ng kanilang bahay noong bisperas ng Pasko nang may naramdaman siya sa dibdib na inakala niya noong una na binato lang siya.
Hindi nagtagal, may umagos nang dugo sa kaniyang dibdib at nawalan na ng malay ang biktima.


No comments: