banner

SINAKSAK NI MISTER? 17-anyos na buntis, patay sa pananaksak ng kaniyang asawa



Nasawi ang isang 17-anyos na buntis matapos umanong saksakin ng kaniyang 21-anyos na asawa sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Ayon sa pulis, nakatanggap muna sila ng impormasyon na may domestic violence na nangyayari sa lugar bago mangyari ang pananaksak.

Ngunit pagdating nila sa lugar, duguan na ang biktima at may mga saksak.

Isinugod pa ang biktima sa ospital pero hindi na umabot nang buhay.

No comments:

Powered by Blogger.