banner

PINATAY ANG SARILI? 45-anyos na Dutch national natagpuang patay sa condo unit sa Cainta, Rizal



Nakadapang walang saplot at naaagnas na nang matagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng isang 45-anyos na Dutch national sa kanyang unit sa isang condominium sa Barangay San Andres, Cainta, Rizal nitong Linggo.

Ayon sa pulisya, mga katabing unit owner ang nagreport sa awtoridad ukol sa masangsang na amoy mula sa unit ng biktima.

“Nung pagbukas po namin ng unit ay meron po kaming nakitang mga dugo na nakakalat po sa sahig saka po sa mga pader at pati po doon sa CR, may kalat na dugo at dun po sa guest room nandun po yung biktima na base po sa forensic po namin is 2-3 days na po ito at nasa state of decomposition na po,” sabi ni Police Chief Master Sergeant Nerico Sulit, investigator, Cainta Police.

No comments:

Powered by Blogger.