PINAKULAM KAYA BINARIL? Lalaki, huli sa pamamaril sa kaanak na ipinakulam umano ang kambal niyang apo kaya namatay
Isang lalaki ang dinakip matapos niyang mapatay sa pamamaril ang kaanak niyang security guard sa Quezon City. Ang suspek, sinabing ipinakulam umano ng biktima ang kaniyang kambal na apo kaya namatay habang nasa sinapupunan ng ina, na kaniya namang anak.
Dead on the spot ang 32-anyos na lalaking biktima.
Nahagip sa CCTV camera ang pagtakas ang suspek na sakay ng motorsiklo. Ngunit nagtanggal siya ng helmet kaya natukoy ang kaniyang pagkakilanlan.


No comments: