KULONG ULIT! Lalaking kalalaya lang, balik-kulungan matapos manalisi ng cellphone sa Marikina
Nagbabalik sa piitan ang isang 51-anyos na lalaking kalalaya lamang matapos mahuli-cam ang pananalisi niya ng cellphone sa isang tindahan sa Marikina.
Ngunit ilang saglit lang, nanalisi na ang lalaki habang abala ang tindera at tinangay ang isang cellphone na naiwan sa mesa bago niya ito binulsa.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nanalisi ang suspek sa mga tindahan sa Marikina, ayon sa pulisya.
“Marami na po siyang mga naging biktima… Nililinlang niya muna ‘yung kaniyang magiging biktima, nagpapanggap siyang customer na may bibilhin. ‘Pag nakalingat ‘yung nagtitinda saka naman niya dudukutin ‘yung kanilang cellphone or kung ano mang bagay. Pero more on cellphone po ‘yung kaniyang kinukuha po,” sabi ni Police Colonel Jenny Tecson, hepe ng Marikina Police.


No comments: