HINOLDAP NG PULIS? Tindahan hinoldap ng isa umanong pulis, suspek napatay ng mga rumespondeng pulis
Nauwi sa engkuwentro ang pagresponde ng mga pulis sa holdapan ng isang convenience store sa Marilao, Bulacan nitong Lunes. Napatay ang suspek na natuklasan kinalaunan na isa rin umanong pulis.
Sa isang pahayag sa naka-post sa Facebook page ng Police Regional Office 3 ngayong Martes, nakasaad na kaagad na rumesponde ang mga pulis matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa nangyarihang holdapan sa Barangay Sta. Rosa I.
Inabutan umano ng mga pulis ang tumatakas na suspek na nakamotorsiklo at nagkaroon ng palitan ng putok na ikinasawi ng huli.
Nakasaad din sa post na, "the suspect, who was later confirmed to be a member of the law enforcement community."


No comments: