banner

GINALAW AT SINAKO? Batang babae na walang saplot pang-ibaba, natagpuang nakasilid sa sako sa banyo ng kanilang bahay



Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang batang babae na pitong-taong-gulang na nakitang nakasilid sa sako at walang saplot pang-ibaba sa loob ng kanilang bahay sa Lambunao, Iloilo.

Ayon sa lola ng biktima, iniwan sa kaniyang bahay ang biktima. Ngunit nagpaalam umano ang bata na uuwi muna sa kanilang bahay para manood ng TV.

Gayunman, hindi na umano bumalik sa kaniyang bahay ang bata kaya pinuntahan ng lola ang kabilang bahay at doon na niya nakita ang apo na nakasilid sa sako sa loob ng banyo.

No comments:

Powered by Blogger.