banner

NALIBING NG BUHAY? Dalawang lalaki, nasawi sa magkahiwalay na tunnel incidents sa Davao City at Davao de Oro!



Dalawang lalaki ang magkasunod na nasawi sa magkahiwalay na insidente ng tunnel accidents sa Davao City at Davao de Oro, ayon sa ulat mula sa mga lokal na awtoridad. Kapwa sila namatay sa loob ng mga tunnel na sila mismo ang naghukay—isa dahil sa posibleng pagkasuffocate, at ang isa naman ay dahil sa gumuhong lupa.

Sa Barangay Saloy, Calinan District sa Davao City, isang 54-anyos na lalaki ang natagpuang patay sa loob ng isang tunnel sa kanilang lupain. Ayon sa asawa ng biktima, pumunta sila sa farm noong Biyernes, Hulyo 25, 2025. 

Habang siya ay abala sa pagbabalot ng bunga ng kakaw, pumasok ang kanyang asawa sa tunnel. Umuwi siya upang maghanda ng pagkain ngunit hindi na ito bumalik, kaya’t bumalik siya sa farm kinabukasan kasama ang kanilang anak upang hanapin ito.

No comments:

Powered by Blogger.