GUSTONG SUMIKAT? Lalaking brief lang ang suot, na-videohang nagsasayaw sa ibabaw ng umaandar na tricycle sa Iloilo City!
Hinahanap na ng mga awtoridad ang lalaking nakuhanan ng video na nagsasayaw sa ibabaw ng umaandar na tricycle na brief lang ang suot sa Iloilo City.
Sa viral video, makikita na may suot din na helmet ang lalaki, na mariing kinondena ni Land Transportation Office-Region 6 Director Atty. Guidioso Geduspan II, dahil sa peligroso nitong ginawa.
Bukod sa peligro sa sarili, nalalagay din umano sa alanganin ang kaligtasan ng ibang motorista.
Nagpapatulong ang ahensiya sa publiko upang matukoy ang pagkakakilanlan ng lalaki at ibang sangkot sa insidente para maipatawag at mapadalhan ng show cause order.


No comments: